Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kung may mga pulis na kasabwat sa muling nabuhay na boratong drug syndicate.
Ito’y matapos mahuli si PO3 Fernan Manimbo na nagbebenta ng ilegal na droga sa Rizal kung saan pa siya mismo nakadestino.
Kontrobersyal din ang insidente ng tanim droga at tanim ebidensya.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson, Supt. Kimberly Molitas – anim na pulis ang ni-relieve sa pwesto sa La Loma Police Station sa Quezon City.
Kasabay nito, kinasuhan naman ng grave misconduct ang 14 na pulis-Pampanga na inireklamo rin ng tanim droga ng isang kawani ng gobyerno.
Pero aminado si Molitas na nahihirapan sila sa mga kaso ng mga pulis na sangkot sa ilegal na gawain.
Sa tala ng PNP, mula July 2016 hanggang December 2016 aabot sa 33 pulis ang tinanggal sa serbisyo habang may 600 naman ang kinasuhan ng adminstratibo.
Ngayong taon, May 33 pulis ang posibleng masibak.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang internal cleansing sa kanilang hanay.
DZXL558