Maling balita sa Philippine News Agency, binatikos!

Manila, Philippines – binatikos ng ilang netizens ang paglalabas ng maling balita ng Official News Agency ng Malakanyang.

Nitong Sabado, inilabas sa website ng Philippine News Agency (PNA) ang balitang tungkol sa papuri ng universal periodic review sa lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Nasa 90 bansa ang kumbinsido na walang nangyayaring Extrajudicial Killings sa Pilipinas.


Taliwas ito sa tunay na report kung saan iminungkahi ng mga bansa na aksyunan ng administrasyon nag problema sa EJK.

Agad namang tinanggal ng pna ang nasabing balita.

Facebook Comments