33 tao – sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang tren sa isa pang nakaparadang tren sa Philadelphia, USA

38

Philadelphia – Sugatan ang tatlumpu’t tatlong (33) pasahero ng isang tren matapos na sumalpok sa isa pang nakaparadang tren sa 69th Street Terminal sa Upper Darby, Philadelphia.

Nangyari ang aksidente alas 12:15 kaninang umaga (oras sa Philadelphia) kung saan apat ang kritikal.

Inaalam pa ang sanhi ng aksidente.


Samantala, isa ang patay habang 25 ang sugatan sa pagtama ng 4.0 magnitude na lindol sa Ischia, Italy.

Nabagsakan ng debris mula sa isang simbahan ang mga biktima.

Facebook Comments