Department of Health, iginiit na wala pang naitalang kaso ng human transmission ng avian flu sa Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Kinumpirma ni Department of Health spokesman Dr. Eric Tayag na wala pang kaso ng human transmission kasunod ng avian flu sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija kaya’t wala raw dapat ikabahala ang publiko.

Mahigpit na binabantayan ng DOH ang mga indibidwal na nagkaroon ng direct contact sa mga infected na manok.

Makakatulong rin aniya kung agad na ipagbibigay alam sa mga otoridad kung makararanas ng sintomas ng flu ang mga residente na malapit sa mga apektadong lugar.


Facebook Comments