3,300 doses ng Sputnik V, tinanggap ng Navotas

25

Tumanggap ng 3,300 ampoules ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang Navotas mula sa Department of Health (DOH).

Ang 3,300 ampoules ay katumbas rin ng 3,300 doses na mababakunahan ng unang dose ng Sputnik V ng Russia.


Nagpasalamat si Navotas Mayor Toby Tiangco sa national government para sa panibagong alokasyong bakuna na target mai-roll out sa lalong madaling panahon.

Base sa tala ng lungsod, mayroon pa itong 18,764 doses ng CoronaVac ng Sinovac para sa first at second doses.

Mayroon ding 1,334 doses ng AstraZeneca at 3,510 doses ng Pfizer para sa second dose.

Facebook Comments