33,000 college students na anak ng mga OFW, makatatanggap ng educational assistance mula sa pamahalaan

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ang pamahalaan ng one-time grant na P30,000 bilang educational assistance sa college students na anak ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang grant na ito ay para sa mga anak ng mga displaced, non-returning, repatriated o deceased OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang subsidy ay ibibigay sa mga kwalipikadong benepisyaryong naka-enroll o mag-e-enroll sa state o local universities o colleges maging sa mga private Higher Education Institutions (HEIs) na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).


Ang detalye nito ay maaaring makuha ng mga OFW mula sa CHED, Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Facebook Comments