332 Katao sa Isabela, Nagka-COVID-19

17

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng mahigit 300 na panibagong bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ang naitala sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw ng Lunes, August 30, 2021, umabot sa 332 ang naitala ng probinsya na bagong kinapitan ng COVID na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso sa 2,358.

Nakapagtala rin ang probinsya ng 118 na newly recovered cases, at walong (8) pasyente na namatay sa COVID-19.


Umaabot naman sa 29, 474 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID samantalang sumampa na sa 990 ang death toll.

Sa kasalukuyan, nasa 32,822 na ang total cumulative cases ng COVID-19 na naitala ang Isabela.

Facebook Comments