33,814 katao, naisailalim na sa COVID-19 test ng DOH

Umabot na sa kabuuang 33,814 katao ang isinailalim sa COVID-19 test ng Department of Health (DOH).

Sa press briefing, sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ito ay dahil na rin sa 3,000 target number of testing per day ng DOH.

Ayon kay Nograles, bukod sa 15 testing centers na operational na, mayroong pang 28 na institusyon na sumasailalim na rin sa DOH laboratory certification process.


Sa susunod pang mga araw ay target ng DOH na maitaas pa at maging 8,000 hanggang 10,000 kada araw ang kanilang COVID-19 testing capacity.

Nakatakda rin bumili ng karagdagang COVID-19 test kits ang DOH na sasapat sa loob ng tatlong buwan.

Ngayong araw, inumpisahan na ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa Lungsod ng Maynila kung saan mayroon nang 934 na pasyente na nakuhanan ng swab tests.

Facebook Comments