Lungsod ng Cauayan, Wala nang PUI at PUM!

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Cauayan City Task Force COVID-19 na wala ng person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) sa sakit na COVID-19 sa lungsod.

Inihayag ito sa ginanap na pagpupulong sa Lungsod kaninang umaga sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Una nang nakapagtala ng mahigit Isang libo ng pinaghalong bilang ng mga PUI at PUM sa Lungsod kung saan nasa labing dalawa rito ang isinailalim sa swab testing subalit lahat ng mga ito ay nagnegatibo sa COVID-19.


Gayunman ay pinapaalalahanan pa rin ang lahat na huwag magpakampante bagkus ay sumunod pa rin sa mga alituntunin sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Bibigyang pansin at hihigpitan na rin ng mga otoridad ang pagbabantay sa mga magtutungo sa palengke upang tiyak na maobserbahan ang physical distancing.

 

Facebook Comments