339 na bagong kaso ng mas nakakahawang Delta variant, naitala ng DOH

64

Sumampa na sa 3,366 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa matapos na madagdagan ng 339 ngayong araw.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga bagong kaso ng Delta ay na-detect mula sa 748 sequenced samples na kinolekta mula Abril hanggang Hunyo.

Nakapagtala rin ng 186 na bagong kaso ng Beta variant; 98 Alpha variant; 9 na P.3 variant at isang Gamma variant.


Facebook Comments