Voter registration period, pormal nang pinalawig mula Oct. 11 hanggang Oct. 30

Pormal nang pinalawig ng Commission on Election ang voter registration period matapos itong ipanawagan dahil sa mga pagkaantala at mga limitasyong dulot ng pandemya.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagkaroon ng unanimous vote ang COMELEC en banc ukol sa pagpapalawig ng voter registration.

Batay naman sa tweet ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, gaganapin ang extension ng voter registration sa October 11 hanggang Oct. 30, 2021, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.


Bibigyang-daan muna ang filing ng Certificates of Candidacy ng mga tatakbo sa paparating na halalan sa Oktubre 1 hanggang Oct. 8.

Samantala, pinalawig din ng COMELEC ang overseas registration mula October 1 hanggang Oct. 14, 2021.

Facebook Comments