34 Bagong Tinamaan ng COVID-19, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala na lamang ang Lalawigan ng Isabela ng 34 na panibagong positibong kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 10, 2021, mayroon na lamang 1,182 na total active cases ng COVID-19 ang probinsya kabilang na ang naitalang panibagong kaso.

Nadagdagan naman ng 161 ang bilang ng mga gumaling mula sa nasabing sakit na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na 56,830.


Tumaas naman sa 1,980 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos madagdagan ng limang (5) nasawi.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 59,992 ang kabuuang bilang ng naimpeksyon sa COVID-19 sa Probinsya ng Isabela.

Facebook Comments