34 kaso ng heat-related illnesses, naitala ng DOH; 6 nasawi

Nakapagtala na ng tatlumpu’t apat na kaso ng heat-related illnesses o may kaugnayan sa matinding init ng panahon ang Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, sa nasabing bilang ay anim na rito ang nasawi.

Naitala ito sa mga rehiyon ng Central Visayas, Ilocos Region, at SOCCSKSARGEN Region mula January 1 hanggang noong nakaraang linggo, April 18.


Nagpapatuloy naman ang beripikasyon ng DOH sa mga kaso.

Noong nakaraang taon, naitala ng DOH ang pinakamaraming heat related illnesses na umabot sa 513.

Facebook Comments