AFP, hindi kinumpirma ang paglapit umano ng 2 militia vessels ng China sa baybayin ng Palawan

📸: US Maritime Security Expert Ray Powell

Hindi kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang napaulat na paglapit ng 2 maritime militia ships ng China 30 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan.

Ito’y isang araw bago ang Balikatan maritime exercise.

Matatandaang ibinunyag ni US Maritime Security Expert Ray Powell sa kaniyang online account ang presensya ng 2 barko ng Chinese maritime militia.


Ayon kay Philippine Exercise Director Major General Marvin Licudine, sanay na sila sa mga presensya ng Chinese maritime militia sa West Philippine Sea dahil hindi na ito bago para sa kanila.

Iginiit naman ng opisyal na wala silang nakikitang problema sa gagawin nilang mga aktibidad sa Balikatan exercise dahil naaayon aniya ito sa international law.

Facebook Comments