34 katao, patay sa pagguho ng pader at landslide sa India

Sumampa na sa 34 na indibidwal ang nasawi sa pagguho ng pader at insidente ng landslide sa Mumbai, India.

Ayon sa National Disaster Response Force (NDRF), 21 ang nalibing nang buhay matapos na matabunan ng gumuhong pader na bunsod naman ng pagtumba ng puno sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Chembur.

Habang 10 ang nasawi sa landslide sa Vikhroli.


Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi at tiniyak na magbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi.

Facebook Comments