Weather report videos ni Luna Agoncillo, kinagiliwan ng netizens

Kinagiliwan ng netizens ang weather report videos ng bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna.

Sa videos na ini-upload ni Ryan sa kanyang Instagram, makikita ang si Luna na nagbibigay ng ulat-panahon sa lugar kung saan sila nagbakasyon nitong weekend.

Kabilang naman sa mga nagkomento sa ka-kyutan ni Luna ang mga celebrities na sina Camille Prats, Bianca Gonzales-Intal, Charlene Gonzales, Christine Babao, Jericho Rosales at syempre ang sikat na weather anchor na si Kuya Kim Atienza.


As of 12NN, mayroon nang mahigit 117,000 likes at mahigit 2,000 comments ang mga nasabing videos.

Facebook Comments