Surigao del Sur – Nasa tatlumpu’t apat (34) na bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Surigao del Sur.
Ayon kay Caraga Regional Director Chief Supt. Gilbert Cruz – ang floating cocaine ay natagpuan ng mga mangingisdang sina Ronnie Navales at Ryan Apelo sa karagatang sakop ng Purok Santan, Barangay Bungtod Tandag City, alas 6:30 kaninang umaga.
Nakabalot umano ito sa isang malaking supot.
Nakitaan ito ng dollar sign gaya ng mga cocaine na narekober sa Dinagat Island.
Dinala na sa PNP-Crime Laboratory ng Police Regional Office 13 ang mga bloke para berepikahin kung totoong cocaine ang mga ito.
Kung positibo, tinatayang nasa 230-milyong piso ang halaga nito.
Pinuri at pinasalamatan naman ng pamunuan ng PNP ang pakikipagtulungan na ito ng dalawang mangingisda.