Roger Pogoy – balik gilas!

31

Balik na ulit sa Gilas Pilipinas si Roger Pogoy.

Pinalitan niya sa 12-man line up ng national team si Barangay Ginebra Guard Scottie Thompson.

Matatandaang hindi nakasali si Pogoy sa huling limang laro ng gilas matapos patawan ng suspensyon nang masangkot sa gulo laban sa Australia noong July 2018.

Makakatapat ng Pilipinas mamaya ang Kazakhstan sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang laban mamaya ng national team ay matapos ang kanilang ‘impressive win’ kontra qatar noong Biyernes sa iskor na 84-46.

Facebook Comments