34 na ospital sa bansa, unang tatanggap ng COVID-19 vaccines – DOH

Unang tatanggap ng COVID-19 vaccines ang 34 na ospital sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Ang vaccine supply ay mula sa first batch ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech.

Ang Department of Health (DOH) ay nakipagpulong na sa pamunuan ng mga ospital at inatasan silang magpasa ng verified na listahan ng vaccine recipients at ‘quick substitution list.’


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga ospital ay nakapagpasa na ng kumpletong listahan.

Inaasahang ilalabas nila ang listahan ng mga ospital na makatatanggap ng bakuna.

Una nang sinabi ng DOH na ang mga COVID-19 referral centers ay makakatanggap ng initial batch ng bakuna kabilang ang Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium at East Avenue Medical Center.

Facebook Comments