Nabigyan na ng entry visa papasok sa Egypt ang nasa 340 Pilipino na lumikas mula sa gulo sa Sudan.
Sabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, papunta na sa Cairo ang mga Pinoy at pansamantalang mananatili sa hotel habang hinihintay ang kanilang ticket pabalik ng Pilipinas.
Target ng DFA na maiuwi sila sa bansa ngayong linggo.
Sa datos ng DFA, 625 na mga Pilipino na ang nakalabas ng Khartoum.
Mahigit 400 na ang nakatawid sa border ng Egypt.
May 46 din na nagtungo sa Port Sudan kung saan 16 sa kanila ang nakapasok na sa Jeddah, Saudi Arabia.
Pitong OFW naman ang isinama ng kanilang mga employer papuntang Saudi at Malaysia.
Samantala, nakiusap si Department of Migrant Workers Secretart Susan Ople sa iba pang mga Pilipinong nagdadalawang-isip na umalis sa Sudan na samantalahin ang tigil-putukan.
Magtatapos na ang 72-hour extended ceasefire mamayang alas sais ng umaga.