Thursday, November 19, 2026

348 BuCor personnel, nanumpa at tumanggap ng bagong ranggo sa Muntinlupa City

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang Simultaneous Oath-Taking Ceremony at Donning of Ranks para sa 348 na tauhan ng kawanihan sa National Headquarters sa Muntinlupa City ngayong Huwebes, November 19.

Sa kabuuang bilang, 274 ang bagong talagang Corrections Officer 1, 21 ang Corrections Technical Officer 1, at anim ang civilian personnel.

Samantala, 31 Corrections Inspectors at siyam na Corrections Technical Inspectors ang pumasok sa pamamagitan ng lateral entry, habang na-promote naman ang isang Corrections Technical Senior Inspector at anim na civilian personnel.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Catapang ang mga bagong opisyal at kawani na kaakibat ng kanilang posisyon ang malaking responsibilidad sa paglilingkod sa bayan nang may dignidad, integridad, at disiplina lalo na sa pangangalaga at rehabilitasyon ng mga Person Deprived of Liberty (PDL).

Dagdag pa ng opisyal, ang pagdaragdag ng mga bagong tauhan ay makatutulong upang mas mapalakas ang pwersa at serbisyo ng BuCor sa buong bansa.

Facebook Comments