349 LGUs, sumusuporta sa CPP-NPA – DILG Sec Año

Manila, Philippines – Kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año na mayroong 349 na mga Local Government Officials ang patuloy na sumusuporta sa Communist Party of the Philippines New People’s Army o CPP-NPA.

Sa isinagawang PRESCON sa Camp Crame, sinabi ni Año na ang 349 na mga local govt officials na ito ay nagbabayad ng permit to win fee at permit to campaign fee sa CPP-NPA.

Batay aniya sa kanilang watchlist, 55 Alkalde, 21 Bise Alkalde, 41 municipal councilors, 176 na mga barangay captain at barangay councilors, 11 mga dating local government officials, 10 incumbent congressman at isang dating congressman.


Aniya, 2016 pa namonitor ang galaw ng mga local government officials na ito karamihan ay nasa region 5, region 10, region 11 at region 2.

Aabot na aniya sa 194.5 million ang naibayad ng mga pulitikong ito sa mga CPP-NPA simula 2016 hanggang taong 2018

Sinabi ni Año na ang mga impormasyong ito ay batay sa intelligence community at ngayon patuloy pa silang kumakalap ng impormasyon para masampahan ng kaso ang mga ito.

Facebook Comments