34th IB napigilan ang masamang plano ng BIFF sa Pigcawayan

Napigilan ang masamang plano ng mga armadong Bangsamoro Islamic Freedom Figthers na maghasik ng kaguluhan sa mga liblib na baranggay ng Pigcawayan North Cotabato matapos matunugan at maka engkwentro ang mga elemento ng 34th Infantry Battalion madaling araw kanina.
Ayon pa kay 34th IB BatCom Col. Angelo Lutera, sakay ng limang bangka ang mga elemento ng BIFF mula pawas at planong pumasok sa Brgy Malagakit ngunit agad na hinarang ng mga kasundaluhan resulta ng ilang minutong palitan ng putok.
Hindi na nagawang makadaong ang mga sakay ng bangka at diretsong tumakas sa kalapit baranggay ng Bulacawon at Simsiman . Mariin namang inihayag ni Col. Lutera na di rin nagtagumpay ang mga armado.
Bagaman nagdulot ng takot sa mga sibilyan nagpapasalamat pa rin ang LGU Pigcawayan sa effort ng militar at PNP. Kaugnay nito sinuspende ng LGU ang klase sa Pigcawayan West District at Bulacawon.
Matatandaang noong nakaraang taon ay binulabog na rin ng mga armado ang Brgy. Simsiman, maliban sa naghasik ng takot pinagsisira pa ng mga ito ang mga kagamitan sa loob ng isang simbahan.

Facebook Comments