35.4 MILYON PISO NAIPAMAHAGI NG DSWD FIELD OFFICE 1 SA MGA BENEPISYARYO NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Umabot na sa 35.4 milyon ang naipamahaging halaga ng DSWD Region1 sa mga benepisyaryo ng Educational Assistance sa buong rehiyon.
Ang nasabing bilang ay naipamahagi sa 11, 953 na benepisyaryo.
Sa first payout naserbisyuhan ang 5, 715 na benepisyaryo at sa ikalawang pay out mas marami pa ang nakatanggap ng umabot sa 6, 238.

Sa nasabing bilang 746 dito ang mula sa Ilocos Norte, 1, 285 sa Ilocos Sur, 2, 348 sa La Union at 1859 sa Pangasinan.
Ayon sa DSWD Field Office 1, Abutin man ng dis-oras ng gabi ay hindi ito alintana sa mga lingkod bayang handang magbuhos ng oras at pagod upang agarang maipaabot ang tulong para sa mga higit na nangangailangan.
Ang mga Student-in-Crisis na mag-aapply ng EA ay maaaring magpalista sa City / Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO) sa inyong City Hall o Munisipyo.
Ang AICS ay isang regular na programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pang-edukasyon, tulong medikal, tulong pamasahe, tulong pagpapalibing, at maging ang probisyon ng pagkain at iba pang kagamitan para sa mga mahihirap na Pilipinong humaharap sa iba’t-ibang krisis, sakuna, o matinding kahirapan. | ifmnews
Facebook Comments