35 Barangay sa Isabela, Nabigyan ng Dump Truck

39

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay na sa 35 na mga barangay sa Lalawigan ng Isabela ang dump truck mula sa pamahalaang panlalawigan.

Mula sa 35 barangay sa Isabela, 27 na barangay sa bayan ng Sto. Tomas ang nabigyan ng dump truck habang walong (8) barangay naman sa bayan ng Sta. Maria.


Pinangunahan at personal na ipinagkaloob ni Engr. Virginio M. Gomez Jr. ng Provincial Engineering Office kasama si Atty. Elizabeth Cureg-Binag ng Provincial Information Office sa mga barangay Chairman ang nasabing bilang ng mga dump trucks.

Nagbigay naman ng tagubilin si Engr. Gomez sa mga Kapitan kaugnay sa tamang paggamit sa mga ibinigay na trak at kung paano ito maaalagaan.

Sasagutin naman ng provincial government kung malaki ang gastos sa pagrerepair sa mga trak ngunit kung minor repair lamang ay aakuin ng Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments