Karagdagang P700K mula kay Sen. Gatchalian, Ipinagkaloob sa Provincial Government ng Isabela

91

Cauayan City, Isabela- Nagbigay pa ng P700,000.00 si Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela bilang karagdagang tulong sa mga pamilyang nasalanta ng malawakang pagbaha na dulot ng nagdaang typhoon Ulysses.

Personal na iniabot ni Sen. Gatchalian ang tseke ng nasabing halaga kay Isabela Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III sa Community Center ng City of Ilagan.


Malaki naman ang naging pasasalamat ng Gobernador sa ginawang pagdalaw ng Senador at pagbibigay ng tulong sa Lalawigan.

Ayon naman sa mensahe ni Sen. Gatchalian, tinatrato aniya nito na home province ang Isabela dahil sa mga lider gaya ng Gobernador at bise Gobernador na nakasama nito sa Kongreso.

Samantala, pinasalamatan din ng Senador ang mga guro na nagsasakripisyo para sa kanilang mga estudyante ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Nangako naman ito na susuportahan ang mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan para sa muling pagbangon ng probinsya.



Facebook Comments