35 Emission Testing Center sa Region 12 , sinuspende!

Abala ngayon ang Land Transportation Office Midsayap District dahil sa pagdagsa ng mga motor vehicle owner na nagrerenew ng papeles ng kanilang mga sasakyan.
Sa panayam ng DXMY kay Mohammad Khan Abutazil, head ng LTO-Midsayap District Office, isa sa mga requirement sa renewal ay ang resulta ng emission test ng mga sasakyan.
Sa bayan ng Midsayap dumadagsa ang mga may-ari ng sasakyan dahil tatlo doon ang nag-ooperate na emission testing centers.
Kaugnay nito, nabatid na mula sa 65 mga Emission Testing Center sa buong Region 12, 30 na lamang ang nag-ooperate. Ilan sa mga ito ay sinuspende ng DOTr dahil sa nakitaan ng anomalya o kontrobersiya.
Kabilang na rito ang di malinaw na pagkakakuha ng litrato ng mga plate numbers ng mga motor vehicle habang ang ilan naman ang nakitaan na patuloy pa ring tinotolerate ang maling pagkakabit ng tambutso.
Sa ngayon, kabilang sa apektado dahil sa kawalan ng emmision center ay ang syudad ng Cotabato.
Samantala ipinabatid naman ni Abutazil na sa LTO-Midsayap district office ay walang cutoff. Hangga’t may dumarating na mga kliyente ay tinatanggap anila.
Ipinapatupad rin kanilang tanggapan ang no noon break at tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo.
Ito ay upang ma-cater nila ang lahat at hindi na rin maging perwisyo sa kanilang mga kliyente dahil hindi na nila kinakailangang pabalik-balik lalo na yaong galing pa sa malalayong lugar.
PIC:GNG

Facebook Comments