35 katao, patay habang 60, sugatan sa isang suicide attack sa Iraq

Aabot sa 35 na katao ang nasawi habang kritikal ang 60 na indibidwal matapos ang naganap na suicide attack sa isang palengke sa Sadr City sa Iraq.

Ayon sa otoridad, nagmula ang suicide bomber sa Islamic State na nagpasabog gamit ang explosive vest sa gitna ng maraming tao sa bisperas ng Eid al-Adha festival.

Agad namang nagpatawag ng pagpupulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi kasama ng top security commanders upang pag-usapan ang naganap na pag-atake.


Samantala, nagpahayag naman ng pakikidalamhati ang presidente ng Iraq na si Barham Salih sa mga biktima ng insidente.

Facebook Comments