35 patay sa pananalasa ng typhoon Hagibis sa Japan

Umabot na sa 35 ang patay habang 175 naman ang sugatan sa pananalasa ng tropical depression na dating typhoon Hagibis.

Nag-landfall ang bagyo sa Izu Peninsula, Southwest ng Tokyo nitong Sabado ng gabi.

Aabot naman sa 18 katao ang nawawala.


Higit 230,000 katao ang inilikas, habang nalabas ng emergency order sa greater Tokyo area.

Nasa 27,000 self-defense forces personnel ang nagsasagawa ng rescue operations.

Suspendido ang kanilang mass transport systems at kanselado ang maraming flights.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mga nasawi at simpatya sa mga naapekuhan ng kalamidad.

Facebook Comments