Carlos Yulo at Nesthy Petecio, mga bagong atletang Pilipinong nag-uwi ng gintong medalya

123

Nag-uwi ng malaking karangalan sa Pilipinas ang dalawang Pilipinong atleta.

Ang 19-anyos na si Carlos Edriel Yulo ay kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gintong medalya sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship Men’s Floor Title sa Germany nitong Sabado.


Nakuha ni Yulo ang winning margin na 0.1 points.

Samantala, sa pamamagitan ng split decision matapos ang tatlong rounds, si Nesthy Petecio ay nakakuha din ng gintong medalya sa featherweight division ng 2019 Aiba Women’s World Boxing Championship sa Russia kahapon.

Pinuri ng Association of Boxing Alliances in the Philippines si Petecio.

Nagpaabot na ng pagbati ang Malacañan sa mga atleta.

Facebook Comments

From Advertisers