Umabot sa 35 turista ang bumisita sa Boracay sa unang araw ng muling pagbubukas nito sa publiko sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pito sa mga ito ay galing Metro Manila habang ang iba ay mula sa mga lalawigang malapit sa Aklan.
Siniguro naman ni Puyat na handa ang isla kung mayroon mang uminda ng sintomas ng COVID-19
Paliwanag ng kalihim, nakipag-usap na ito sa mga hotel at airlines na payagan ang rebooking at refund kung sakaling hindi matuloy ang turista dahil sa posibleng pagkakaroon ng sintomas.
Nauna nang sinabi ni Puyat na ang mas mura at mabilis na antigen test ang susi para sa mas maraming turista na hindi nakokompromiso ang kaligtasan.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na batid niyang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Boracay pero ito ay “very busy”.