Ang Longest Malaga Grill ay bahagi ng selebrasyon ng Crab at Guraman Festival.
Ito ang kauna-unahan sa Pilipinas na pinakamahabang ihawan ng Malaga na isa sa ipinagmamalaki ng bayan ng Buguey.
Ayon kay Mayor Licerio Antiporda, ito ay bahagi ng pagpapakita na isa nang matagumpay na teknolohiya ang pag-alaga ng malaga sa kanilang bayan.
Tanging Buguey lang ang may mataas na produksyon ng nasabing isda di lang sa probinsya, maging sa buong Region II ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Maliban sa nais na maipakita sa mundo ang kanilang teknolohiya ay ang hangad din nila magkaroon ng sarili siganid hatchery upang makapag-harvest ng dalawang beses sa isang taon.
Layon ng bayan na mapalawak ang market ng malaga hindi na lamang sa Cagayan kundi sa buong Pilipinas.
Target rin ng loKal na pamahalaan ng Buguey na mapasama sa Guinness Book of World Record ang ginawa nilang 350-meter grilled Malaga.
Plano rin na isagawa ito taun-taon at mas pahahabain pa ang ihawan ng isdang Malaga.