WATER SYSTEM SA MALAYONG BARANGAY SA ABRA, TAPOS NA

35
Tapos na ang konstraksyon ng level II water system sa liblib na barangay ng Duldulao, Malibcong Abra na inaasahang mabebenipisyohan ang mahigit 500 katao sa oras na ito’y mapagana.

Ito ay natapos na noong Hunyo 20, 2022 ngunit kailangan pa ng pinal na inspeksyon bago i-turn over sa barangay.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso (3,000,000) na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang Barangay Dudulao ay isa sa mga prayoridad na barangay para sa SBDP project noong 2021. Ito ay may layong 60 kilometro mula sa kabisera ng Bangued na mahigit tatlong oras ang biyahe.

Bukod sa water system, may access road at high school building din na itatayo sa ilalim ng proyektong SBDP.

Facebook Comments