*Cauayan **City, **Isabela**-* Nakakabighani at maituturing na bukod tangi ang kakatapos lamang na ‘AFI Dance Exhibition’ bilang bahagi pa rin ng ika 295th Tuguegarao Festival na ginanap kahapon sa Cagayan Sports Coliseum.
Naging matagumpay at payapa ang nasabing pagtatanghal ng higit 3,500 na estudyante mula sa Carig at Andrews Campus ng Cagayan State University.
Habang nasaksihan naman ng libu-libong mga dayuhan at residente ng Tuguegarao ang nasabing pagtatanghal.
Ang nabanggit na humigit kumulang 3,500 na mga estudyante ay sumayaw habang may bitbit na nakasinding sulo o torch.
Ayon sa alkalde ng Lungsod na si Atty. Jefferson P. Soriano, nais ng Lungsod na sungkitin ang Guinness Book of World Records na kasalukuyang hawak ng Indonesia bilang pinakaramaraing nagsayaw na may hawak na sulo o torch na tinatayang nasa 3,700 na katao.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ng Lokal na pamahalaan ng syudad ang planong masungkit ang record.
Sa susunod na taon, sisikapin ng LGU ang higit 4,000 na mananayaw sa nasabing pagtatanghal.
Muli namang nagpasalamat ang alkalde sa mga Kapulisan, Kasundaluhan at iba pang nagtrabaho sa nangyaring pagtatanghal dahil sa kabuuan ay naging payapa at maayos ito.
Samantala, nanatili pa rin na suspendido ang ‘No Helmet, No Travel’ Policy sa Lungsod ng Tuguegarao.