3,500 Pinoy sa Finland, inalerto matapos ang terrorist knife attack doon

Manila, Philippines – Inalerto ng Dept. of Foreign Affairs ang 3,500 na mga Filipino sa Finland kasunod ng pananaksak ng isang terorista doon kung saan dalawa ang namatay at marami ang nasugatan.

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pinoy doon na agad na makipag-ugnayan sa Honorary Consulate General sa Helsinki o di kaya sa Phil. Embassy sa Oslo, Norway sakaling mangailangan ng tulong.

Ang honorary consul ng Pilipinas at Philippine Embassy sa Oslo ay patuloy din na nagmo-monitor sa sitwasyon Finland.


Una nang kinumpirma ng DFA na walang Pinoy na nasaktan sa terrorist knife attack sa Turku, Finland.

Facebook Comments