3,500 undesirable aliens, naharang sa nakalipas na 10 buwan

Kabuuang 3,500 na mga dayuhan ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa nakalipas na sampung buwan.

Tatlong libo sa mga ito ay naharang sa NAIA Terminals habang ang iba ay sa airports ng Mactan, Clark, Kalibo, Aklan at Davao.

Ang naturang illegal aliens ay natuklasang may mga problema sa mga dokumento sa isinagawang secondary inspection ng immigration officers.


Ilan din sa kanila ay may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa o di kaya ay may kaduda-dudang motibo sa pagpasok sa Pilipinas.

Ilan ding mga dayuhang terorista ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan.

Facebook Comments