350M pisong halaga ng Taytay Sports Complex pinasinayaan

Pinangunahan ni Senador Christopher Bong Go ang groundbreaking ceremony ng Taytay Sports Complex sa Barangay Muzon Taytay Rizal ngayong umaga.

Ang naturang Sporting Facility ay matagal nang pinangarap ng Taytay LGU ngunit ngayon lamang maisasakatuparan sa panahon ng Duterte Administration.

Batay sa plano nakapaloob dito ang Olympic Track Oval na may football, softball, baseball at soccer field.


Mayroon din itong Olympic-size Pool, dalawang Grandstands, maybAir-conditioned Indoor na Amphitheater na kayang mag-accomodate ng aabot sa 3,000 seating capacity.

Lalagyan din umano ito ng Recreational parks and Groves na may Commercial Area na pwedeng pagtayuan ng Malls at Condos.

Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula aabot sa P350 million ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.

Umaasa naman si Gacula na malaking tulong ang naturang pasilidad para sa kanilang mga atleta at naniniwala silang dahil dito ay kayang makapaghasa ng mga batang pinoy na sasabak sa iba’-ibang palakasan.

Facebook Comments