353,000 vaccine jabs, naitala ng Pilipinas sa isang araw – Dizon

Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas sa COVID-19 vaccination rate noong Miyerkules, June 23.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, aabot sa 353,000 jabs ang naiturok sa loob lamang ng isang araw.

Sa nasabing datos, 167,000 vaccines ang nagamit sa Metro Manila.


Aniya, isang achievement ito para sa bansa.

Dagdag pa ni Dizon na inaasahang tataas pa ang jab rate lalo na at paparating sa bansa ang malaking bulto ng bakuna.

Nabatid na 500,000 jabs per day ang target ng pamahalaan.

Facebook Comments