Aabot sa 355 na aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos yanigin ang Bukidnon ng magnitude 5.7 na lindol kagabi.
Sa inilabas na update ng ahensiya, ang lakas ng aftershocks ay naitala sa pagitan ng magnitudes 1.5 at 5.2 at anim sa mga ito ay naramdaman.
Ang pinakamalakas na aftershock ay naramdaman siyam na minuto lamang matapos ang 5.7 magnitude na lindol.
Ang Bukidnon ay bahagi ng tinatawag na seismically active region sa Northern Mindanao dahil sa presensiya ng ilang active faults kasama na ang Central Mindanao Fault, Linugos River Fault, Cabanglasan Fault, Tagoloan River Fault, Lanao Fault System at bahagi ng Mindanao Fault.
Facebook Comments