Aabot sa 355 illegal dumpsites sa bansa ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang mga ipinasara ay open dumpsites at may paglabag sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Nakatuon naman ang ahensya sa pagpapasara at rehabilitation ng dumpsites.
Pinayuhan ng DENR ang mga local government units (LGUs) na apektado ng pagsasara ng mga dumpsites na magtatag ng residual containment areas para sa kanilang basura habang itinatayo ang sanitary landfill.
Nagbabala rin nag kagawaran sa mga LGU laban sa paglilibing ng kanilang basura sa mga nasabing lugar dahil mapanganib ito.
Facebook Comments