356 na kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

46

Aabot sa 356 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 543 na kaso kahapon at pinakamababa sa loob ng 17 buwan.

Dahil diyan, sumampa na sa 2,835,345 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan nasa 13,206 ang active cases.


Nasa 2,772,728 ang total recoveries matapos gumaling ang 871 indibidwal.

Nadagdagan naman ng 92 ang mga nasawi kaya umakyat na sa 49,591 ang COVID-19 related deaths.

Anim na laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na sa 92 na nasawi, 3 lang rito ang naitala ngayong Disyembre habang ang 18 percent sa nasawi ay noon pang November.

Facebook Comments