TRUCK DRIVER, PATAY NANG MAGULUNGAN NG MISMONG MINANEHO NITONG DUMP TRUCK SA LA UNION

57

BANGAR, LA UNION – Nasawi ang isang truck driver matapos itong aksidenteng magulungan ng mismong minaneho nitong truck sa isang Sanitary Landfill sa Barangay Cadapli.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Anthony Pascual y Ifurong, 36 na taong gulang at residente ng Brgy. Magallanes, bayan ng Luna, sa parehong probinsiya.

Ayon sa imbestigador ng insidente na si PSSG. Kenneth Nelmida ng Bangar PS, napansin umano ng biktima na nagkaroon ng problema ang baterya ng sasakyan kung kaya ipinarada niya muna ito upang tignan at ayusin.


Sa kanyang pagkukumpuni ay biglang umabante ang truck kung saan sinubukan pa nitong pigilan ang sasakyan ngunit dahil sa mabigat ito, tuluyang nabangga ang biktima dahilan para siya ay magulungan.

Naitakbo pa ang biktima ng buhay, ngunit sa kasamaang ay palad binawian na ito ng buhay nang makarating sa Balaoan District Hospital.

Dagdag pa ng imbestigador ay tutulungan ng may ari ng truck ang pamilya ng biktima.



Sa ngayon ay pinaglalamayan na ang bangkay sa kanilang tahanan. | ifmnews

Facebook Comments