36 na kaso ng HIV naitala sa Gensan sa loob lang sa 72 hours!

*General Santos City— Ikinabahala ngayon ng mga opisyal ng lungsod ng General Santos ang naging resulta ng HIV screening na ginawa ng isang non-government organization na Pink Salmon Association.*

*Kung saan sa loob ng talong araw o 72 hours ay nasa tatlumpo’t anim (36) ang nagpositibo sa HIV.*

*Ang nasabing screening ay ginawa noong January 1 to 3 sa iba’t ibang barangay dito sa lungsod sa mga kabataang nasa kinsi (15) hanggang 24 anyos.*


*Iba sa kanila ay nag-aaral samantalang iba sa kanila ay out of school youth. Labing isa sa nasabing bilang ay pawang nasa Senior High School.*

*Panawagan naman ng nasabing grupo na i-praktis ang safe sex kung saan aminado sila hindi na nila mapipigilan ang mga kabataan na pumasok sa pre-marital sex.*

*Sa ngayon aniya ay iilan pa lang ito sa kabataang target nilang mapasa-ilalim sa HIV screening. Aminado naman ang mga opisyal ng lungsod na maraming kabataan ang napapabilang sa mga grupo kung saan nakakabahala ang sexual behavior.*

Facebook Comments