Natukoy ng Department of Health (DOH) ang 36 lugar sa bansa na nasa moderate at high risk pagdating sa COVID-19 case growth rates, average daily attack rates (ADAR) at healthcare utilization rates.
Ayon kay DOH – Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, 20 mula sa 36 lugar ay nasa Visayas at Mindanao.
Habang ang 15 mula sa 36 na lugar ay ikinukonsiderang nasa critical risk pagdating sa Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.
Sabi pa ni De Guzman, may ilang lugar din na nasa 100% na ang ICU utilization rate, kabilang ang Cagayan, Zambales, Antique, Zamboanga del Norte, South Cotabato, Quezon, Cotabato City at San Juan City.
Dahil dito, ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang pinatawan ng mas mahigpit na quarantine restrictions dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Giit pa ni De Guzman, walang rehiyon sa Pilipinas na hindi kinakailangang bantayan kaya dapat manatiling maingat kontra COVID-19.