36 na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sabay-sabay na sumuko sa militar sa Sulu

Sabay-sabay at kusang loob na sumuko sa tropa ng 4th Marine Brigade sa Headquarters ng Marin Battalion Landing Team (MBLT) – 8 ang 36 na miyembro ng Abu Sayyaff Group (ASG) sa Brgy. Lahing-Lahing, Omar, Sulu kamakailan.

Ayon kay Philippine Marine Corps Spokesperson Major Emery Torre, 29 sa mga sumukong Abu Sayyaf ay galing sa munisipyo ng Omar, apat naman ay mula sa Banguingui at tatlo sa Panamao.

Isinuko rin nila ang kanilang 11 mga baril sa militar.


Sinabi pa ni Torre, nangyari ang sabay-sabay na pagsuko ng mga terorista ay dahil sa mahigpit na pakikipag-ugnayan ng 4th Marine Brigade sa mga local commander’s ng Moro National Liberation Front (MNLF), Local Government Units (LGUs), at iba pang mga stakeholders.

Tiniyak naman ni 4th Marine Brigade, Colonel Ruben Candelario sa mga taga Sulu na magpapatuloy ang kanilang adhikain na tapusin na ang local armed conflict para matamo ang kapayapaan at security sa lalawigan.

Facebook Comments