20 percent discount sa real property tax sa Taguig, hanggang ngayong Disyembre lang

Nagkakaloob ang Pamahalaang Lokal ng Taguig ng 20-porsyentong diskwento hanggang December 31 lamang para sa magbabayad ng 2021 Annual Real Property Tax.

Ang bayaran ng real property tax sa Taguig ay nakapwesto sa mas ligtas at mas malaking espasyo sa Taguig Offsite Payment Center sa Vista Mall Parking Building.

Tiniyak ng Taguig City Government na mayroong nakalaang priority Lanes para sa matatanda, may kapansanan at mga buntis.


Mahigpit ding ipinapatupad ang health protocols laban sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask.

Hinikayat ng pamahalang lokal ang mga taga-Taguig na magbayad ng buwis ng maaga at huwag lumagpas sa itinakdang deadline upang hindi mapatawan ng penalty at iba bang problema.

Facebook Comments