36 na PAG, tinututukan ng PNP

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkilos ng 36 na Private Armed Group (PAG) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., posible kasing maka-impluwensya ang mga PAG sa darating na Barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Aniya, dalawang beses na siyang nagpunta sa BARMM mula nang manungkulan sa pwesto para masiguro na naipatutupad ang mga kaukulang hakbang upang mapigilan ang mobilisasyon ng mga grupong ito.


Sa pagtungo nya sa BARMM nakipagpulong siya sa iba’t ibang stakeholders na makakatulong sa PNP upang masiguro na hindi magagamit sa eleksyon ang mga PAG.

Una nang sinabi ni Acorda na tatlo ang aktibo at 45 ang inactive na PAGs kung saan nasa walong rehiyon ang mga ito na karamihan ay sa BARMM.

Facebook Comments