Barangay 450 Sampaloc, Manila, hinikayat ang mga constituent na magtungo sa kanilang barangay para sa hatid na oportunidad ng DZXL Radyo Trabaho

Hinimok ng Barangay 450 Sampaloc, Manila ang kanilang mga constituent na magtungo sa kanilang barangay para sa oportunidad na makapaghanap ng trabaho.

Kaugnay na rin ito sa pagtungo ng DZXL 558 Radyo Trabaho team sa Barangay 450 para sa hatid na “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho” sa mga piling barangay.

Ayon kay Barangay Kagawad Jerry Peredo, magandang oportunidad ang hatid ng DZXL Radyo Trabaho para sa mga kabarangay na naghahanap ng trabaho.


Kaya naman, hinihikayat ni Kagawad Peredo ang kanyang mga constituent na magtungo sa kanilang barangay at samantalahin ang pagkakataon para masabi ang mga detalye ng DZXL Radyo Trabaho.

Nagpapasalamat naman ang Barangay 450 na napili ng DZXL Radyo Trabaho ang kanilang lugar para maipakilala ang programa ng ating istasyon.

Facebook Comments