Naniniwala ang 36% ng mga Pilipino na ang kalidad ng kanilang buhay ay mas lalala pa sa susunod na 12 buwan.
Batay sa national mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS), ang 36% pessimists na naitala nitong Hulyo 2020 ay ikalawa sa pinakamataas sa loob ng 37 taon.
Naitala ang pinakamataas na pessimists nitong Mayo 2020 na nasa 43% kung saan binasag nito ang record na 34% noong Marso 2005.
Lumabas sa July survey na 30% ng adult Filipinos ang umaasang mananatili ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan habang 26% ang kumpiyansang gaganda ang kanilang buhay.
Ang survey ay isinagawa mula July 3 hanggang July 6, 2020 sa 1,555 adult Filipinos sa buong bansa sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview.