Sa evacuation center pa rin ng barangay Alicaocao nagpalipas ng ilang gabi ang nasa 36 na pamilya na apektado ng pagbaha.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Ginang Fermie Ordonio, Barangay Health Worker ng Alicaocao, pansamantalang lumikas sa isang Gas station at sa mga kamag-anak ang 36 families o katumbas ng 150 indibidwal matapos na malubog sa tubig-baha ang kanilang mga bahay.
Ilan sa mga ito ay unang lumikas sa Health Center subalit naabot pa rin ito ng tubig kaya lumipat na lamang sila sa Gasoline Station.
Ayon pa kay Ordonio, nabigyan na aniya sila ng relief packs mula sa CSWD at patuloy na nakakatanggap ng mga pagkain mula sa mga volunteers at sa LGU sa pamamagitan ng Cauayan City Food Bank.
Sa ngayon ay mananatili muna sa evacuation area ang mga naapektuhan hanggat hindi pa bumababa ang baha sa kani-kanilang tirahan.
Facebook Comments